Pilipino Ka, Pilipino Ako
Halika't Magtulungan Tayo!
Halika't Magtulungan Tayo!
Bawat
bansa ay may sariling wika, katulad ng ating pinakamamahal at pinagmamalaking
Wikang Filipino.
Minsan nang
nasubok ang ating Wikang Filipino. Ginusto itong palitan ng mga dayuhan na
sumakop sa ating bansa lalo na ang mga Kastila. Kung ikaw ba, papayag ka bang
ang wika ng ibang bansa ang siyang gagamitin ng bansa nating Pilipinas? Kung
ito'y iisipin ng mabuti, para narin tayong inaalipin at ginagamit ang isang
bagay na hindi naman natin pag-aari. Ang paggamit ng hindi sa atin ay
nagpapakita rin na hindi natin kayang mabuhay o mabuo kung wala sila. Papayag
ka ba? Alam kong hindi. Hindi dapat kaibigan! Ipaglaban mo ang iyong karapatan,
malaya ka at huwag na huwag mong hayaan na dinidiktahan ka na lamang ng ibang
tao. May utak ka at may puso ka, gamitin mo ito tungo sa totoo mong kalayaan.
Tayong mga Pilipino, iba-iba mang kultura, iba-iba mang tradisyon tulung-tulong
parin tayo at huwak kamay tayong magkaisa para sa ating bansa at para maiangat
ang ating pagkakaisa sa paggamit ng ating wika.
Gamit ang ating pagka-Pilipino,
tutungo tayo sa kalayaang ating pinakaaasam-asam.
No comments:
Post a Comment